Pagbati at Pagkilala sa Pandayan

Pagbati at Pagkilala sa Pandayan

Tatlong Buwan na ang aking Serbisyo sa Pandayan, sa loob nun ay sobrang dami ko nang natutunan at madami ring na-improve sa sarili ko bilang isang Kapwa. Natuto akong makisama at maging mas masaya sa loob at labas ng workplace. Minsan na rin akong nabati ng kakilala sa aking pag-uwi noong ako ay kanilang nakita na naka uniform ng Pandayan. Kanilang sambit ay “Taga Pandayan ka, Nak? Maganda magtrabaho at mabait ang mga tao diyan.” Agad ko naman itong sinagot, “Opo, Nay” kalakip nito ang ngiti na ako ay lubos na masaya sa kanyang pag-appreciate sa Pandayan Bookshop.